75-Year-Old Mother & Wife From Bataan Wants To See Her Family In Tarlac
ADVERTISEMENTS
Sya po si Pacita Garcia Tadeo o "nanay pasing", 75 taong gulang. Ipinanganak noong ika-1 ng mayo taong 1941. Kasalukuyang naninirahan sa Bataan. Lumapit ito sa akin upang humingi ng tulong na i-post ko ito sa facebook upang magbakasali.
Hinahanap nya po ang kanyang mga anak na sina Luicito Tadeo Panem, 51 taong gulang (ang asawa umano nito ay taga Tarlac) at Michael Tadeo Panem 45 taon na sa kasalukuyan, ayon sa pahayag ng matanda sa akin, 1979 pa nung huliyang makita si michael, lumalabas lamang na mahigit 3 dekada nang huli nyang makita ang mga ito,dagdag pa nito ayon sa kanyang mga nababalitaan sa ibang mga kaanak sa Pangasinan sila ay naninirahan sa America ngayon kasama ang kanilang ama na si Victriano B. Panem. Tinanong ko ang nanay kung saan ang eksaktong address sa America, ngunit hindi nya alam.
Napakatagal na ng panahon ang kanyang iginugugol sa pagdarasal upang dinggin ng Maykapal ang kanyang panalangin, gabi-gabi halos ay umiiyak sya at tinatanong ang sarili kung ano ang kanyang kasalan at pinaparusahan siya ng ganito kabigat ng Diyos.
Dagdag pa niya, simula noong mahiwalay sya sa mga ito ayyun na lamang ang kanyang ninanais na mangyari, ang makita sila. Lalo na't tumatanda na ako, at nararamdaman ko na konting panahon nalang ang ilalagi ko sa mundo, sana man lamang bago ko lisanin ang mundo ay makita at mayakap ko sila, kahit isang linggo ko lang silang makasama ay sapat na sa akin, mga salitang namutawi mula kay inang. (Sobrang naiiyak ako, habang sinasabi nya ang mga ito) Napaisip ako, bakit may mga anak na kayang gawin ito sa kanilang Ina? Ngunit ayaw kong manghusga dahil hindi ko naman alam ang puno't duko ng lahat ng pangyayari, pero sana kung anu man yun ay magkapatawaran na lamang. Ang tanging alam ko lamang ay mayroong isang Inang nangungulila sa kanyang mga anak at lubos ang pagnanais nito na sila ay makita at mayakap.
"Wala akong balak guluhin ang buhay na mayroon sila." sabi ng matanda, ang gusto ko lamang ay masilayan ang mga mukha nila, kung gaano na sila kalaki mula ng dalhin q sila ng siyam na buwan sa aking sinapupunan. "Mga anak, kung may sama man kayo ng loob sa akin sana ako'y patawarin ninyo. Mahal na mahal ko kayo Michael at Luicito. Sana mga anak mgpakita na kayo sa akin, Miss na miss ko na kayo, tuwing gabi ipinagdarasal ko na sana isang araw ay nasa harapan ko na kayo. Sana buksan nyu ang daan upang makapiling ko kayo. Matanda na ako mga anak, marami na akong mga karamdamang dinadaing sa katawan, pero kinakaya ko, tinatatagan ko pa, dahil gusto ko pa kayong makita.
(May kung anung kumurot sa puso ko noong nagsasalita ang matanda sa akin. Nangyari ito noong December 25,2016. Ang muli kong paguwe sa Bataan at muli naming pagkkita ni nanay pasing, napakahigpit ng yakap sa akin ng matnda. Ramdam na ramadam ko ang pagka-miss sa akin. Dahil simula pa lamang noong highschool ako, kami ng tita ko ay inaalalayan siya, binibigyan namin siya ng pagkaen at iiyak na lamang yan bigla dahil sa saya na nararamdaman, naisip ko, napakababaw ng kaligayahan ng matanda para umiyak sa mga ganoong bagay. Hindi na siya iba sa amin, para na namin siyang Inang. Mas tumanda na siya, huli kong kita sa kanya 3years ago (4thyr High school ako dahil umuwi na ako ng bulacan). Sobrang kulubot na ng kanyang mga balat, ang isa nitong mata ay hindi na gumagana ng normal, nanlalabo na, hindi na niya maigalaw ang kanang kamay simula noong mapasma ito. Matandang matanda na si Inang. At walang Ina ang deserve ng ganitong kalagayan na sinasapit ni Inang ngayon.
Ginawa ko ito upang kahi't paano'y magkaroon ng kahit kaunting pag-asa ang matanda na makita kayo Sir Luicito Tadeo Panem at Sir Michael Tadeo Panem. Napakahirap po ng buhay ng inyong ina dito sa Pilipinas. Ngunit di nya alintana dahil mas nananaig ang pagnanais niya na makita kayo.
Sana po ay mapagbigyan ng Diyos at katukin niya ang inyong mga puso na gumawa ng paraan upang pagkrusin ang inyong mga landas. Napakahirap sa kalooban na ramdam mong may kulang sa buhay mo , na may kulang sa pagkatao mo,na may kulang sayo. Malungkot ka man o masaya ka, ramdam mong may kulang talaga. Alam ko ang bigat ng pinapasan ng inyong Ina, dahil tulad nya hinahanap ko rin ang aking biological father ngunit ayaw ata talaga kaming pagtagpuin. Marahil, siguro ay hindi pa lamang ang tamang oras, panahon at pagkakataon para pagtagpuin kame, ngunit sana ito na ang panahon para sa inyong mag iina. Paligayahin niyo po si nanay Pasing! Lubos siyang umaasa sa inyong pagkikita! Mahal na mahal niya po kayo!
The most precious jewel a mother could wear around her neck are the arms of her children.
Sana po ay tulungan nyo ako sa mumunting haranging ito ni Inang.
Always remember, what you do to yourself dies with you; what you do to others remains forever. Godbless everyone!
Source: Facebook of Mae Shen Ani
ADVERTISEMENTS
No comments: