Human Body Covered by Honey

Human Body Covered by Honey
Human Body Covered by Honey

Watch: Magpakailanman 'Jayson Tomas' Of Camiling, Tarlac Story

ADVERTISEMENTS

Ito ang kuwento ng mag-inang Liza at Jayson. Isang mag inang nagkawalay ng matagal na panahon nang dahil sa isang kaibigang nakialam na magdesisyon para sa kanilang buhay. Sa edad na 18 years old ipinanganak ni Liza ang batang si Jeffrey(Jayson).


Hindi siya pinanagutan ng ama ng bata kung kaya't mag isa niyang hinarap ang pagbubuntis, panganganak at pagbuhay sa anak. Namamasukan siya noon sa isang pagawaan ng furniture sa Mandaluyong at sa tuwing nasa trabaho siya ay iniiwan at pinaaalagaan ang anak sa kaibigang si Sabel.

Kahit hirap ay maayos ang lahat noong una subalit ng magsara ang pinapasukang pagawaan ay kinumbinsi si Liza ng kaibigang si Sabel na mamasukan sa Batangas at iwan na lang sa kanya ang ang anak at tuwing weekend na lang ito umuwi ng Maynila para dalawin ang anak. Laking gulat na lamang ni Liza na ang napasukan pala niya ay isang kabaret at hindi ito sinabi sa kanya si Sabel. Kaya't ng makakuha ng pagkakataon ay tumakas siya at lumuwas ng Maynila para balikan si Sabel at ang anak na si Jeffrey. Ngunit laking gulat niya na wala na ang dalawa sa bahay nito sa Mandaluyong.

Ang nasagap lang niyang balita ay umuwi na ito sa Tarlac dala dala ang kanyang anak. Halos mabaliw si Liza sa kahahanap sa anak pero wala siyang nagawa dahil ni hindi niya alam kung saan magsisimula. Pagkalipas ng ilang buwan ay nagdesisyon siyang umuwi na sa Bacolod upang magsimula ng bagong buhay.

Nakapag-asawa siya at nagkaanak. Inilihim niya ang tungkol sa nakaraan pero hoping siyang balang araw ay makikita pang muli ang nawalang anak. Si Jason(Jeffey) lumaki sa piling ng kanyang kinagisnang pamilya na tuwing iisipin at susuriin niya ay iba ang kanyang itsura kumpara sa mga magulang na sina Angie at Simplicio maging sa kanyang limang kapatid na babae. Lumaki siyang nabu-bully dahil obvious naman sa ibang tao sa kanilang lugar at eskwelahan na ampon siya.

Kaya ng magkaisip ay inamin din naman sa kanya ng mga magulang ang totoo, na siya ay ipinaampon lamang sa kanila. Mula ng malaman ang totoo sa kanyang buhay ay hindi na nag aksaya ng panahon si Jayson.

Kinausap niya si Sabel at pilit na pinaamin kung sino ang kanyang tunay na ina. Lumuwas din siya ng Maynila at nagbakasakali sa simbahan ng Mandaluyong kung saan diumano siya bininyagan ayon kay Sabel. Dito niya nalaman na Jeffrey ang kanyang unang pangalan at Luisa Nochepo ang pangalan ng kanyang ina. Mula sa Friendster, Facebook at iba pang social media ay chinachat niya ang sinumang kaapelyido ng kanyang tunay na ina. Nawalan na rin ng pag-asa dahil sa walang nakakakilala sa kanyang tunay ina.

Hanggang sa isang araw ay may nagmessage sa kanya at sinasabing tiyahin niya si Liza Nochepo. Nabuhayan ng loob si Jayson. Hinanap at ini add sa facebook ang anak ni Luisa. Sumagot ito at ibinigay ang cellphone number ng ina.

Nang makausap ang tunay na ina ay walang nagawa si Jayson kundi ang umiyak ng umiyak sa kabilang linya. Culmination ito ng mahigit 30 taon ng paghahanap niya sa kanyang tunay na pagkatao.

Panoorin Magpakailanman, ating lakbayin ang pinagdaaanan ng isang anak na diumano'y ninakaw mula sa kanyang ina at lumaki sa ibang pamilya at nang isang ina na ninakawan na anak na ni sa hinagap ay hindi na niya inakalang magkikita pa silang muli…  Itinatampok sina Ms. Jaclyn Jose, Rocco Nacino, Angeli Bayani, Ynez Veneracion, Gigi Locsin, Rosemarie Sarita, Ermie Concepcion, Beatriz Imperial, Suzanne Ison at Liezel Lopez. Sa direksyon ni Neal Del Rosario, sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Rodney Junio.




ADVERTISEMENTS




Source: Magpakailanman GMA Entertainment

No comments:

Powered by Blogger.