Tragic Accident In Capas, Tarlac Follow-Up Report By GMA News
ADVERTISEMENTS
Mahigit isang buwan makaraang mangyari ang malagim na sakuna sa Capas, Tarlac, na nag-viral pa ang video, patuloy na nagpapagaling sa tinamong pinsala sa katawan ang limang-taong-gulang na babae— ang tanging nakaligtas sa trahediya na kumitil sa buhay ng kaniyang mga magulang at kuya.
Sakay ng motorsiklo ang pamilya Cabrera at tinatahak nila ang highway sa Tarlac noong Diyembre nang salpukin sila ng isang SUV na lumihis sa linya.
Sa lakas ng pagbangga, tumilipon ang mga sakay ng motorsiklo, na dahilan ng pagkasawi ng tatlong biktima, at himalang pagkabuhay ng bunsong anak na nagtamo ng mga bali ng buto at kinailangang operahan.
Sa GMA program na "Alisto," inalam ang kalagayan ng batang nakaligtas, na ayon sa nag-aalagang kaanak ay hinahanap pa rin ang kaniyang mga magulang at kuya.
Aminado rin ang kaanak ng mga biktima na magulo ang kanilang isip nang panahon na nakipag-areglo sila sa nakaaksidente, at walang abogado na umalalay sa kanila.
At sa kabila ng mga pangakong pinansiyal na tulong, hindi pa rin nawawala ang kanilang sama ng loob sa driver ng SUV na nakabangga sa mag-anak dahil hindi pa rin daw ito nagpapakita sa kanila.
Sinasabing nakatulog ang driver ng SUV kaya lumihis ito sa linya ng kalsada at nabangga ang mga biktima.
Panoorin ang episode ng programang "Alisto."
(Paalala, may bahagi ng maselang video sa nangyaring sakuna)
ADVERTISEMENTS
No comments: